Prayers and Prayer Request Online 
Home > Prayers > Miracle > Prayer for my board exam
Login | Sign Up


Prayer for my board exam

Lord, maraming maraming salamat po sa lahat ng biyayang pinagkaloob niyo po saakin pati po saaking pamilya. Ngayon po, hinihiling ko po na sana'y gabayan nyo po ako sa board exam ko po. Kayo na po ang bahala Lord. Gagawin ko po ang best ko. Sana po lord, pumasa po ako. Gustong gusto ko po makita yung nanay ko na masaya at proud para saakin. Gusto ko din po masuklian lahat ng mga sakripisyo ng nanay ko. Lord, Kayo na po bahala. Anuma't anuman ang mangyari, tatanggapin ko po. Kasi alam ko po lahat ng bagay sa mundo may dahilan. Maluwag ko pong tatanggapin po lahat. Alam ko pong lagi po kayong nariyan para po saamin. Sa panahon po kasi ngayon, sainyo lang po at sa pamilya ko ako kumukuha ng lakas ng loob. Paminsan, kapag mag isa ako, pinanghihinaan ako ng loob. Pero sainyo lang po ako kumakapit Lord, Wag niyo po akong bibitawan. Lord kayo na po ang bahala. Maraming salamat po.

Comments

Share your message and and good thoughts about this post.

Name

Comment





sitemap | faq/help | invite | contact us | privacy | terms © Copyright 2001 - 2012 PrayCentral.com